Sunday, July 02, 2006

ang pag 1, 2, 3.

Noong isang araw, dahil sa may PE ako na Social Dance at kailangan akong mag-palda, naisipan kong isuot na lang ito imbis na dalhin, para hingi gaanong nakakapagod.

Lingid sa aking kaalaman, hindi ito magandang ideya para sa araw na ito.

...

10:30 na nang matapos kame ni Rejoice kumain sa Katag. Lumabas kami, at tumungo sa harap ng FC. Nakalayo na kame ng kaunti, nang maisip namin na hindi pala kami dapat doon, kundi sa likod ng FC. Hindi nga pala TOKI ang sasakyan namin, kundi IKOT.

Mainit ang araw! Napapagod na kame! Pero... kailangan. Lumakad kaming muli pabalik at nang di lumaan ay napunta na rin sa malapi sa sakayan na dinadaanan ng IKOT.

Naghintay kame ng Jeep na kaunti lang ang pasahero, at di nagtagal, may dumaan na jeep na iisa lang ang pasahero. Pinara ko yung jeep at nang tumigil, malapit kame sa may harap. Biglang sabi ni Rejoice, "Ericka, gusto mo sa harap?"

Dahil sa alam kong daanan iyun at hindi gaanong gusto ng mga jeep ang pinaghihintay sila, sinabi ko na lang agad na "Oo!"

At sumakay nga si Rejoice, sumunod ako.

Nahirapan ako! Bukod sa ang taas ng maliit na tapakan, ang taas pa ng hahakbangan ko papaloob ng jeep! Grabe. NAKAPALDA(above the knees) PA AKO !!!

Tapos ako pa yung nasa labas. Buti na lang may pantakip ako na bag. Wooh.

Tawa na kame ni Rejoice nang tawa. Hindi pala tama na sumakay kame sa harap. Pero sige okay lang. Experience toh!

Maya-maya, bumaba na yung isa pang pasahero, at kame na lang ni Rejoice yung naiwan. Tawa pa rin kame nang tawa. wala nang ibang pasaherong sumakay pa.

Inanticipate namin ni Rejoice yung pagdating sa gym dahil sa pagbaba ko. Wooh! Mas madaling bumaba!

at pagbaba naman, ay hindi namin alam kung bakit, pero muntik nang mapatid si Rejoice! Kaya tawa na naman kame ng tawa.

Pero bigla kong na-feel na may kulang. Tumatawa pa rin si Rejoice, at nakikitawa ako, pero napapaisip ako.

Bigla akong napatigil at tinanong si Rejoice, "Rejoice, nagbayad ka ba?"

Hindiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!! hindi kame nakapagbayad ni Rejoice!!!! Dahil sa kakatawa namin, at marahil na rin sa walang nagaabot ng bayad, nawala sa isip namin!!

Paglingon namin ay wala na si mamang jeep! hindi namin talaga sinasadya!!!

Pero hindi naman hiningi ni mamang jeep. Pero nakakahiya dahil katabi pa naman niya kame!

Hindi namin sinasadyang mag1, 2, 3! at first time ko iyon!

Hay. Sinasabi na nga ba. Dapat hindi ako nagpalda. Kundi lang dahil sa PE. -_-

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home